Filipino - Mga Batayang Katangian at Pagsulat ng Posisyong Papel

POSISYONG PAPEL

  • Isa itong detalyadong polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatuwid, o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos.

  • Ito’y naglalahad ng opinyon sa isang usapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal.

  • Isa sa mga anyo nito ay ang liham sa patnugot


MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL (Axelrod at Cooper, 2013)

  1. Depinadong isyu

  2. Klarong posisyon

  3. Mapangumbinsing argumento

  4. Matalinong katwiran

  5. Solidong ebidensya

  6. Kontra-argumento

  7. Angkop na tono


ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

  1. Pumili ng paksa

  2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik

  3. Hamunin ang iyong sariling paksa

  4. Ipagpatuloy nang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya

  5. Gumawa ng balangkas

  6. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kaligirang impormasyon. Gawin ito hanggang sa iyong pahayag na tesis na naggigiit sa iyong posisyon.

  7. Maglista ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon

  8. Kilalanin at suportahan ang ilang salungat na argumento (kung mayroong dapat na tanggapin sa iyong posisyon)

  9. Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang siya pa ring pionakamainam sa kabila ng lakas ng mga kontra-argumento

  10. Lagumin ang iyong argumento at ilahad ang iyong posisyon

  11. Isulat na ang iyong posisyong papel

Comments