close

Ang buhay ni Crisostomo Ibarra

1st – Nagulat ang lahat nang dumating si Kap. Tiyago kasama si Ibarra. Lumapit si Tenyente Guevarra at pinagmasdan ang binata. Habang kumakain lumapit si Ibarra kay Padre Damaso at sinabi na kung siya ba ang matalik na kaibigan ng kanyang ama ngunit ito’y itinanggi ng Pari. Lumapit si Tenyente Guevarra at sinabing nakasama niya si Don Rafael, napawi ang pag aalala ni Ibarra. Nilapitan ni Ibarra ang mga kababaihan ngunit hindi diya pinansin ng mga ito kaya sa kalalakihan na lamang siya naki salo.

2nd –Lahat ay nag uunahan sa pagkuwa ng pagkain at inalok ni Ibarra si kap. Tiyago na kanyang tinanggihan. Maraming pag uusap ang nangyari sa hapunan at isang lalaki ang nagtanong “ ano ang pianakamahalagang bagay ang iyong nakita sa ibang bansa” Ibarra:“ang kasaganahan at kahirapan ng isang bayan ay may kaugnayan sa kanilang kalayaan.” Nakisali sa usapan si Padre Damaso at sinabing “ walang kuwenta ang kanyang nalalaman”. Umalis si Ibarra at nangakong babalik nalang kinaumagahan. Padre Damaso: “ iyan ang bunga ng mga kabataang nakapag-aral sa ibang bansa kaya dapat itong ipagbawal ng pamahalaan”.

3rd – Si Don Rafael ay nakulong dahil sa pagtulong niya sa isang batang sinisipa ng isang maniningil ng buwis. Nangyari ang ganito sapagkat naglabasan ang mga lihim na kaaway ni Don Rafael tulad ni Padre Damaso. Sa kasamaang palad namatay si Don Rafael sa bilangguan nang malapit na siyang makalaya. Ito ay ayon sa salaysay ni Ten. Guevarra.

4th – Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Maria Clara at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkita ang magkasintahan matapos ang pitong taon. Hindi nagging sapat ang mga salita upang mailarawan ang mga nagpupuyos na damdamin ng dalawa. Sukat nang ipakita ng dalawa ang mga alaala ng kanilang pag-ibig.

5th –Lumakad ang mga kadalagahan at kabinataan na magmumula sa madlang people. Tatlong lalaki at tatlong babae. Sila ay mangingisda at mamamasyal ngunit wala silang mahuli dahil may buwaya. Tinalian ng piloto ang buwaya ngunit di siya nagtagumpay at nahila pababa sa bangka. Tumalon si Ibarra para iligtas ang piloto at ito ay tinanaw ng piloto na utang na loob.

6th –Dumalo sa pagtitipon ng mga kabataan si Pare Salvi. Habang sila ay kumakain, sumulpot si Sisa. Naitanong ng aliperes “Bakit di ka nababagabag sa pagkawala ng ‘yong mga sacristan?” Nagkainitan sila at inawat ni Ibarra. Nakisali si Ibarra sa mga naglalaro ng gulong ng kapalaran, naitanong nya rito kung matutupad ba ang pangarap nyang makapagpatayo ng bahay-paaralan. Sumagot ito na ang panaginip ay mananatiling panaginip lamang, sinabi ni Ibarra na sinungaling ang gulong ng kapalaran kaya aalis na lamang siya. Dumating si Pari Salvi at pinunit ang gulong ng kapalaran.

7th –Nagsermon si Padre Damaso sa mga tao. Nakatulog ang mga tao sa haba ng sermon ngunit tumagos naman sa puso’t isipan ni Ibarra. Huminto rin naman si Padre Damaso sa kakasermon nang siya ay mapagod kaya natapos din ang misa. Pinaalalahanan ni Elias si Ibarra sa unang paglalagay ng bato sa bahay-paaralan.

8th – Nauna ang alkalde sa paglalagay ng palitada sa bahay paaralan at nahuli si Ibarra. Bumagsak ang batong nakatali sa paaralan kung kaya’t nagtakbuhan ang mga tao at nag-alikabok ang buong paligid. Nakita ni Padri Salvi at Maria Clara si Ibarra at ang taong madilaw na parang walang buhay. Pinahuhuli ng alkalde si Nol Juan ngunit hindi pumapayag si Ibarra kaya’t naghinala ang alkalde na si Ibarra ang mananagot na nabanggit. Hinanap ni Ibarra si Maria Clara na nakaligtas sa pangyayari. Sinabi naman ng Pilosopo Tasyo na ito’y isang masamang senyales.

9th –Nanananghalian sina Ibarra, Maria Clara at Kapitan Tiyago. Umalis si Kapitan Tiyago ng makatanggap ng tawag sa Kapitan Heneral. Dumating si Padre Damaso ng tapos nang mananghalian ngunit hindi siya binati ni Ibarra kung kaya’t pinapasaringan siya ni Padre Damaso. Tumungo sa usapan ang pagkamatay ng tatay ni Ibarra kaya’t nagalit si Ibarra at muntik niya mapatay si Padre Damaso ngunit napigilan siya ng kanyang minamahal.

10th –Walang tigil ang pagiyak ni Maria Clara dahil iniutos sa kanyang limutin na si Ibarra. Wala ring tigil sina Tiya Isabel at Anding (madlang people) sa pag-alo sa kanya. Nanalangin siya sa Poong Maykapal. Nasa ganitong kalagayan nang siya’y ipatawag ng Kap. Heneral.

11th –Dumating si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago upang ibalita and tungkol sa ekskomulgado at para dalawin si Maria Clara. Nagging palaisipan kay Ibarra nang madatnang nag-uusap sina Maria Clara at Linares. Marami tuloy ang naglalaro sa kanyang imahinasyon. “Sila na ba ni Linares?” “Ako parin ba ang nasa puso ni Maria Clara?”
Nang masumpungan ang sarili sa bahay-paaralan, isa na naming talinghaga ang natuklasan ni Ibarra. Wala sa talaan ng manggagawa ang pangalan ni Elias.

12th –Sumakay sa Bangka si Ibarra at Elias at napansin ni Elias na di mapakali si Ibarra kaya agad siyang humingi ng paumanhin. Nalungkot naman si Elias dahil di siya naalala ng aliperes at sinabi na siya naman ang sugo ng mga sawimpalad. Nagpalitan sila ng kuru-kuro sa baybay-lawa. Kaiba ang mga pananaw ni Elias. Hiniling ni Ibarra kay Elias na magsabi ng ilang bagay tungkol sa kanyang buhay upang maintindihan niya si Elias.

13th – Nagtungo si Elias sa bahay ni Ibarra at ibinalita niya ang natuklasang pag-aalsa na ibinintang na pinamumunuan ng binata. Katulong si Elias sa pagsusunog ng mga kasulatang magpapahamak sa kanya hanggang sa matuklasan niya na nuno pala ni Ibarra ang nagging dahilan ng kasawian ng kanyang pamilya.

14th – Biglang nagkaputukan at nagkani-kanilang tago ang lahat. Pagsapit ng ika-8 ng gabi dumating si Ibarra at umuwing nag-iisa at nang makarating sa kanyang bahay ay isinisilid niya ang kanyang mahahalagang gamit sa maleta. Hindi pa nga siya tapos ay may dumating na dalwang sibil para siya ay hulihin. Matapos mabalitaan ang nangyari kay Ibarra, nagmamadaling pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra at iniligpit ang kanyang gamit at pinag susunog ito pati ang larawan ni Maria Clara.

15th – Lahat ng bilanggo ay nakagapos maliban kay Ibarra na napapagitnaan lamang ng dalawang kawal na manggagaling sa madlang pipol. Sinugod ng tingin ni Ibarra ang mga tao, upang maghanap ng kailala, napansin niyang umugong ang isang usapan na kung sino pa ang maysala siya pang walang gapos. Kaya inutos niya sa kanyang kawal na igapos din siya at agad naman itong sinunod ng kawal. Sinumpa ng mga tao si Ibarra, ang kanyang mga magulang pati na ang kanyang mga ninuno at doon niya naramdaman ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang kinabukasan.

16th – Hinarap ni Maria Clara ang mga bisita ng may pagglang ngunit ng hindi na niya makaya pang pakinggan ang usig tungkol sa kanyang pagpapakasal kay Linares at sa pagbitay ni Ibarra ay umalis na ito. Tinulungan makatakas ni Elias si Ibarra. Unang pinuntahan ni Ibarra si Maria Clara upang sabihin pinapatawad na niya ito sa ginawang pagkakanulo sa kanya. Mula kay Maria Clara ay nalaman ni Ibarra ang dahilan ng lahat, ang tungkol sa sulat at ang kanyang pagkatao.

17th – Umaga non tila tulala si Maria Clara sa diyaryong naglalaman ng balita na patay na si Ibarra. Nang dumating si Padre Damaso humiling kaagad si Maria na sirain ang kasunduan ng kasal kay Linares at pahalagahan na lamang ang kapakanan ng ama. Sinabi niya rin sa Padre na dahil patay na si Ibarra, hindi na lamang siya mag papakasal sa iba at dalawang bagay na lang ang mahalaga sa kanya, ang mag pakamatay o ang kumbento. Humingi ng tawad ang Padre at walang nagawa kundi pahintulutan pumasok si Maria sa kumbento. Sa pagtingala ng Padre sa langit, nasambit nito na totoo ngang may Diyos na nagpaparusa at humiling siya sa Diyos na siya na lamang ang parusahan.
AT DITO MAGWAWAKAS ANG ATING ISTORYA!

Tags : Talambuhay
Close Bitnami banner
Bitnami