close

Ang BUOD NG IBONG ADARNA Ikalawang kabanata

Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya ay mabait at iginagalang ng lahat mahirap man o mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng ibang mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang asawa ay si Donya Valeria na siya ay ubod ng ganda at walang katulad sa bait.

Mayroon silang tatlong anak, si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalwa at si Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay may magandang tindig, si Don Diego naman ay may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si Don Juan naman ay sobrang bait at mapagnahal. Mahal na mahal sila ng kanilang mga magulang.

Isang araw tinanong ni haring Fernando kung ano ang gusto nila pag dating ng panahon, Pinapili sila kung gusto nila maging hari o maging pari. Pinili nila lahat na maging hari kaya pinag-aral sila sa paggamit ng armas. Naging maganda ang berbanya dahil sa pamumuno ni haring Fernando.

Ngunit isang gabi nagkaroon ng masamang panagiip ang hari. Si Don Juan daw ay mapapahamak at papatayin ng dalawang tao. Matapos mapatay si Juan ang katawan nito ay ihahagis sa kahon. Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siyang malubha at nagging mahina ang katawan.

Walang nakakaalam ng kanyang sakit maliban sa isang manggagamot. Dahil ang kanyang pagkakasakit ay ang kanyang masamang panaginip at ang tanging makapagpapagaling sa hari ay ang awit ng ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor .Ito ay tumutigil sa Piesdras Platas at tumutigil lamang doon tuwing gabi. Agad nainutusan ngHarisi Don Pedro na pumunta sa bundok at kunin ang ibon.

Tags : AlamatBuod
Close Bitnami banner
Bitnami