PICTORIAL ESSAY
“A picture is worth a thousand words.”
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY
- Ito ay tinatawag din bilang photo essay. Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining nanagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon / kapsyon kada larawan.
- Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap nito.
- Kombinasyon ito ng potograpiya at wika.
- Kaiba ito sa picture story na nakaasyos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang layunin ay magsalaysay o magkwento.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY
- Malinaw na Paksa
- Pokus
- Orihinalidad
- Lohikal na Estruktura
- Kawilihan
- Komposisyon
- Mahusay na Paggamit ng Wika
ANG PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY
- Pumili ng paksang tumutugon sa pamntayang itinakda ng inyong guro
- Isaalang-alang ang iyong audience
- Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin
- Kumuha ng maraming larawan
- Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunod-sunod
- Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan