close

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.

Tags : PanitikanTeoryaWika
Close Bitnami banner
Bitnami