close

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan

Tags : NobelaWika
Close Bitnami banner
Bitnami