close

Contemporary Issue Status Report on : Dynamite Fishing

“In a matter of seconds , Dynamite Fishing can destroy a reef that took hundreds or thousands of years to grow” . Mahigpit nang ipinagbabawal ang “Dynamite Fishing “sa Pilipinas mula pa noong taong 1980 hanggang 1990. Ngunit ayon sa Bureau of Fisheries , humigit 10,000 na insidente parin ang nagaganap sa pag tatapon ng dinamita sa mga pangisdaan araw-araw . Ang Dynamite Fishing ay nakasisira ng mga coral reefs at pinapatay ang mga hayop na masasakop ng pag-sabog nito . Kahit na mahigpit na itong ipinagbabawal , marami parin ang patuloy na nanghuhuli sa ganitong pamamaraan .

Ang Yamang Tubig ay likas na yaman na ating pinagkukunan sa mga anyong tubig tulad ng Isda , Alimango , tahong at iba pang lamang dagat . Importante ito dahil dito kumukuha ng pagkakabuhayan ang mga mangingisda , mahalaga rin ito dahil napagkukunan ito ng pagkain , gamot , at pang display sa bahay .
Malaki ang naitutulong sa atin ng yamang tubig , ngunit madaming tao ang umaabuso nito na gumagawa ng mga illegal na pamamaraan upang mapadali ang pag-hahanap buhay . Ang pag tatapon ng dinamita sa tubig ay may malawakang epekto sa lamang tubig , pati narin sa mga taong kumokonsumo nito.

Epekto sa Kalikasan

1. Pagkasira ng coral reefs –sa tuwing nag tatapon ng dinamita ang mga mangingisda sa pangisdaan , posibleng may matamaan o may masira itong coral reefs . Ang coral reefs ay importante dahil dito tumitira at nag paparami ang mga isda . Kaya kapag ito’y nasira , maaring magkaroon ng Food Shortageat kawalan ng trabaho ng mga mangingisda .

2. Pag dami ng endangered species–Dati ay kakaunti pa lamang ang endangered species ngunit sa pag lipas ng taon ay dumadami ito . Dahil sa pagkasira ng coral reefs , nawawalan ang isda ng tirahan at ng lugar upang sila’y mag parami . Halimbawa nito ay ang ; Turtle , Blue Whale , Sperm Whale , Steller Sea Lion , at ang Humpback Whale .

3. Epekto nito sa mga lamang dagat –Ang isda at iba pang Marine Animalsay sensitibo sa mga kemikal . kaya’t kapag kumakalat sa pangisdaan ang kemikal na galing sa dinamita , naapektuhan nito ang mga isda at nababawasan ang kanilang kakayahan sa pag langoy pati narin ang paglaki nito ay bumabagal .


Epekto sa mga Tao

1. Lason mula sa kemikal –kaya mahigpit din na ipinagbabawal ng pamahalaan ang dynamite fishing ay dahil narin sa mga materyal na ginagamit sa paggawa ng dinamita . Mayroong kemikal na nakaapekto sa kalusugan ng tao kapag nakain ng nito ang isda na nahuli sa pamamagitan ng dynamite fishing .

2. Kawalan ng hanapbuhay –noong unang panahon ay madami pang isda ang nahuhuli sa kada palaot ng mga mangingisda . Ngunit habang lumilipas ang panahon , paunti ito ng paunti . At kung hindi pa ititigil ang ganitong pamamaraan , maaring maubos na ang isda sa mga pangisdaan at mawawalan ng pagkakabuhayan ang mga mangingisdana makadadagdag pa sa suliranin ng ating bansa .

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nag deklara ng “All-out War” laban sa mga gumagamit ng dinamita o dynamite fishing at iba pang illegal na pamamaraan ng pag huli . Ayon kay Asis Perez , Director ng BFAR na patuloy nilang ipinagtitibay ang pagbabawal sa Dynamite Fishing , dahil sa na hindi pag sunod sa tamang pamamaraan apat na pung taon ng nakalipas . itainatayang 100 milyong piso ang ilalaan ng pamahalaan para sa pag pasok ng tao at pag gawa ng programa na huhuli sa mga lalabag nito . Sinabi rin nya dito na hindi lamang ang maling pag huli ng isda , pati na rin ang sino mang mahuhuling pumapatay ng marine animals at naninira ng mga water habitat ay masasampahan din ng kaso .

Konklusyon :
Malaki ang naitutulong ng likas na yaman sa ating bansa , tumutulong ito sa pag unlad at patuloy na pag sustento sa pangangailangan ng tao , kaya naman kailangan natin itong pangalagaan at itigil na ang mga illegal na pamamaraan dahil nasasayang lamang ang ipinopondo nila dito na sana’y nai-pangtutulong nalang sana sa mga mahihirap . Dapat natin ingatan at pahalagahan ito dahil nagbibigay kabuhayan ito sa ating mga mamamayan , ang kagandahan din nito’y sukdulan na ginagawa itong tourist attraction . Dapat na mag tulungan ang bawat mamamayan ng

Tags : Araling Panlipunan
Close Bitnami banner
Bitnami