close

Mga Pangungusap na Walang Paksa

1. Pangungusap na pasasalamat – nangangahulugang may pangyayaring
ginawa na at kailangan lamang pasalamatan.
Halimbawa:
a. Salamat.(po)
b. Maraming salamat.(po)

2. Pangungusap na patawag – tinatawag sa pangalan ang isang tao at
nauunawaan naman ng tinatawag na siya’y hinahanap
Halimbawa:
a. Allan!
b. Korina!

3. Pangungusap na pangkalikasan
– nauukol ito sa mga pangyayaring may
kinalaman sa kalikasan
Halimbawa:
a. Umuulan na.
b. Lumilindol.

4. Pangungusap na pagbati – nangangahuluganng kaharap naang taong
binabati
Halimbawa:
a. Magandang Araw.
b. Maligayang pagbati sa iyo.

5. Pangungusap na pagpaalam
– nangangahulugang dati nang kausap ang
pinagpaalaman ng aalis
Halimbawa:
a. Paalam na.(po)
b. Hanggang sa muli.(po)

6. Pangungusap na pamanahon
– nagsasaad ng panahon.
Halimbawa:
a. Pasko na!
b. Bertdey mo na.

7. Pangungusap na panagot sa tanong
– sumasagot ito sa tanong
Halimbawa:
a. Oo.
b. Hindi.
c. Baka.

8. Pangungusap na muling pagtatanong
– nangangahulugang may nauna nang
pahayag na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit.
Halimbawa:
a. Saan?
b. Ano?
c. Ha?

9. Pangungusap na pautos
– nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang
inuutusan.
Halimbawa:
a. Lakad na.
b. Sulong!
c. Halika.

10. Pangungusap na pakiusap
– pangungusap na ginagamitan ng paki at maki.
Halimbawa:
a. Pakidala nito.
b. Makikiraan.(po)

11. Pangungusap na pasukdol
– pangungusap na ginagamitan ng mga katagang
kay at napaka.
Halimbawa:
a. Kaybuti mo!
b. Napakatamis nito!

12. Pangungusap na padamdam
– nagsasaad ng nadarama
Halimbawa:
a. Aray!
b. Ay!

13. Pangungusap na eksistensyal
– gumagamit ito ng mga katagang mayroon at wala.
Halimbawa:
a. May pasok ngayon.
b. Walang tao riyan.

Tags : Wika
Close Bitnami banner
Bitnami