close

Mga Uri ng Panolohiya Artikulasyon, Dipotonggo

Ang Ponolohiya ay ang pag-aaral o pag-uuri-uri sa iba’t-ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita, pagsasama ng mga tunog o ponema.

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

2. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

3. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

4. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Paraan ng Artikulasyon

naiilarawan kung paanong lumalabas ang hinihinga (sa bibig o ilong) sa pagbigkas ng isang katinig.
Mga Paraan ng Artikulasyon:
1. Pasara – /b,t,k,p,d,g/ 4. Pagilid – /l/
2. Pailong – /m,n,ng/ 5. Pakatal – /r/
3. Pasutsot – /s,h/ 6. Malapatinig – /w,y/
Ang DIGRAPO ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang tunog.

DIPTONGGO

Ang diptonggo (dipthong) ay alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.
Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya’t hindi na maituturing na diptonggo. Ang “iw”, halimbawa, sa “aliw” ay diptonggo. Ngunit sa “aliwan” ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa “aliwan” ay a-li-wan at hindi a-liw-an.

Tags : Wika
Close Bitnami banner
Bitnami