close

Panahon ng Paleolitiko at Mesolitiko

I. Introduction

Ang panahon ng paleolitiko at mesolitiko ay isa sa mga panahon kung saan ay makikita ang mga pagbabago at pag-unlad ng mga tao. Makikita rin sa mga panahong ito ang mga Gawain na nagsimula sa kanila ngunit hanggang ngayon ay ating ginagawa at ating nang nakasanayan.

II. Nilalaman

Paleolitiko- Nanggaling ang mga pangalang ito sa Paleos matanda), at Lithos (bato). Samakatuwid, ang Paleolitiko ay ang  lumang bato (Old Stoneage). Sa panahong ito ay nakita ang pisikal na pagbabago ng tao at sa panahon rin ito ay umaasa ng Malaki ang mga tao sa kanilang kapaligiran. Isa sa mga pinaka-mahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy na ginamit nila sa proteksyon sa mga mababangis na hayop, pagluluto at pati narin sa pagbibigay sa kanila ng init. Ito ay ang pinakamahabang yugto ng kasaysayan kaya dahil dito ay nahati ang panahong paleolitiko sa tatlong bahagi: ang lower, middle at upper. Ang  Lower Paleolithic Period ay nagwakas daw noong mga dakong 120,000 taon na ang nakalipas at sinasabing ito rin daw ang period ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang stage ng tao na tawag ay Australopithecine; mga ninuno ng makabagong bato at ang mga pinaka-maagang hominid.

Ang  Middle Paleolithic Period  ay nangyari mga dakong 120,000 hanggang 40,000 na ang nakakaraan at sinasabing ito ang period ng pagkontrol ng mga  Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula magpakita ng pagka artistikong abilidad ng mga tao sa pamamagitan ng pagguhit nila sa mga bato at pagpinta nila sa kanilang mga katawan.

Ang Upper Paleolithic Period ay nagsimula ng lumitaw ang mga kumplikadong pagpapangkat sa lipunan. Sinasabing ito ang period ng pagbuo ng kultura ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro- Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

Tags : Heograpiya
Close Bitnami banner
Bitnami