close

Sining ng Pagsalaysay at Pagpili ng Paksa

Pagsasalaysay – Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.

Pagpili ng Paksa – Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay. Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga rin ito ay napapanahon at may dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:

  • Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
  • Sapat na Kagamitan – mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
  • Kakayahang Pansarili – ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat.
  • Tiyak na Panahon o Pook – ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
  • Kilalanin ang mambabasa – sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling karanasan – pinakamadali at pinakadetalyadong praan pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay o magasasalaysay.

2. Narinig o napakinggan sa iba – maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.

3. Nabasa o Napanood – mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at iba pa.

4. Likhang – isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng isang salaysay.

5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

Tags : Wika
Close Bitnami banner
Bitnami